Maskara

Meron akong biniling cellphone. Akala ko nung una e maganda ang features, kaya binili ko. Pero nang lumaon nakita ko kung gano kabasura ang binili ko. Walang kakwenta kwenta at sakit ng ulo lang ang binigay sa akin. Pinilit ko pa sana itabi at baka magustuhan ko pero hindi ko na matiis na gamitin ito. Ilang beses ko na pinagawa pero bumabalik pa rin ang sira. Hindi na ito ang telepono para sa akin. Kailangan ko na ng bago. Hindi ko naman ito pwede isoli na sa pinagbilhan ko, pero may karapatan akong PALITAN na ito. Hindi ko kailangan magtiis sa bagay na wala ng pag-asang maging maayos.

May nabasa ako mula sa isa rin blog (foreign) tungkol sa pag-aasawa. Ang titulo nito kapag sinalin sa Tagalog ay “Lahat Tayo ay Nagpakasal sa Maling Tao.” Tinatalakay sa blog na ito na hindi tama na piliin ng mag-asawa (ng lalaki man o babae) ang “madaling daan” ng pakikipaghiwalay, either mutually o dahil kagustuhan lang ng isa.

{Dito matatagpuan ang buong post: http://lifegems4marriage.com/2010/09/10/we-all-married-the-wrong-person/}

Kung nabasa niyo ang post na yan, makikita niyo na nag-enumerate rin ng mga kadahilanan ang may-akda (o ang qinuquote ng may-akda na doktor ng sikolohiya) ng mga instances o cases wherein ang paghihiwalay ay inevitable na dahil hindi na healthy mag-stay sa relationship (mga kaso tulad ng domestic violence, substance abuse, etc.).

Ngunit para sa akin, sa aking opinyon, hindi lamang ito ang mga balidong dahilan para umalis sa isang relasyon—kasal man o hindi.

Pero bago ako magpatuloy, gusto ko lamang i-stress ang punto na ito:

HINDI MADALI ANG MAKIPAGHIWALAY SA KARELASYON, LALO NA SA KASAL.

Kaya hindi pwedeng sabihin na ito ang “backdoor” o “easy way out.”

Dahil ang pinakamadali ay ang maging passive at manatili sa isang relasyon kahit hindi na ito healthy. Madali ang status quo. Ito ang backdoor. Ito ang madaling escape.

Paano mo masasabi na madaling option ang iwan ang iyong asawa sa setting natin sa Pilipinas na ang pagfile ng annulment ay parang pagkandidato sa isang lokal na posisyon sa sobrang kamahalan.

Ang pagpapakasal ay isang malaking desisyon sa buhay ng isang tao. Pero hindi ibig sabihin na wala kang tsansang magkamali. Kaya ibig rin sabihin, maaari mo rin itama ang pagkakamaling yun.

Naniniwala akong HINDI HEALTHY ang manatili sa isang relasyon na wala ng pag-asa dahil sa mga kadahilanang sumusunod: 1). dahil may mga anak na, 2). dahil sa kahihiyan o sasabihin ng iba 3). DAHIL SA PANINIWALA NA ITO NA ANG TAONG MAKAKASAMA KO SA HABANG BUHAY KAYA WALA AKO IBANG MAGAGAWA KUNDI HUMANAP NG PARAAN PARA MAGING OKAY ANG LAHAT.

#3 is bullshit. Mga taong walang sapat na sustansya sa utak lang ang maniniwala sa ganyang reasoning. Walang permanente sa mundo. Hindi mo kailangang tiisin ang pagiging iresponsable o pananakit verbally o physically ng asawa mo. Hindi mo kailangan tiisin ang lahat at kahit anong kawalangyaan o kababuyan na ginagawa sayo ng asawa mo. Hindi mo kailangang pilitin mahalin ang taong hindi mo na kaya mahalin. HINDI MAGIGING OKAY ANG LAHAT.

Wag tayo maging hipokrito.

Lilinawin ko lamang, hindi ako nag-eencourage ng hiwalayan sa mag-asawa. Hindi ko rin sinasabi na sa oras na hindi magkasundo, nararapat lang na maghiwalay na. ALAM NAMAN NG MAG-ASAWA KUNG MAAAYOS PA O HINDI ANG ISANG RELASYON, AT KUNG KAILAN PAGHIHIWALAY NA LAMANG ANG TANGING SOLUSYON.

Maraming rason kung bakit naghihiwalay ang mga mag-asawa. Isa lang ang sigurado at tama. Wala tayong karapatan manghusga at magsabi kung ano ang tama o mali, kung ano ang nararapat o hindi. Hindi ibig sabihin na mas magaling ang babaeng kaya panatilihin ang buhay may asawa kumpara sa nakipaghiwalay. Maaaring mas kaya lang ng nauna tiisin lahat ng pasakit at pinili niyang maging miserable buong buhay niya kesa sa isang nagpakatotoo at hindi nagpadala sa kahipkritohan ng lipunan.

We all have a choice. Happiness is a choice. And so is misery.

Advertisements
This entry was posted in Isyu, Pag-ibig. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s